Ang Samahang Honesty
How did we get this far?
Thanks to John Reg (kilabot_ng_kolehiyala) for allowing me to use this wonderful piece on the site.
Introduction
Wala talagang makakatalo o makakapantay sa samahan ng Honesty, ano? Dahil sa pagiging kakaiba “raw” namin sa nagdaang Honesty o maging sa ibang section, I can say na nakakaangat kami ng konti sa kanila. Nagagawa kasi namin ang mga bagay na gusto naming gawin na alam naman naming tama at alam namin na walang taong masasaktan (syempre naman!). No questions asked! Basta masaya ang isa sa amin, masaya na rin kaming lahat. Ganiyan magmahalan ang IV - Honesty.
Isang araw magkakalayo tayo ng landas at mag-iiba tayo ng landas na tatahakin… pero saglit lang naman ang paghihiwalay nating iyon at kahit naman siguro physically magkalayo tayo, sinisigurado ko naman na ang mga puso naman natin ay nananatiling united at bonded. Make sure lang na kapag miss na natin ang isa’t-isa, i-text na lang natin ang isa’t isa. Sana hindi maputol ang communication natin.
Huwag sana nating kakalimutan ang mga memories na sa Stadium natin sinimulan. Mula sa pagiging uhugin at mahinang estudyante, natutunan natin kung paano bumangon at magsimulang maging matatag na indibidwal. Gawin rin natin iyon sa path na ating tatahakin.
Naging isang masayang pamilya… ngayon ay kailangang magpaalam at magkahiwalay ng saglit upang abutin ang pinakamaliwanag na bituwin sa langit at salubungin ang isa sa mga unos at bagyo sa mararanasan mo sa buhay. Sana pagkatapos mong maabot ang brightest star sa buhay mo at matapos mong pagtagumpayang labanan ang bagyo at unos, huwag mong kalilimutan na nananatiling nandyan, naghihintay ang pamilya mo para sa iyo… ang pamilyang Honesty.
Table of Contents
Click on [+/-] to expand or collapse the section.
- Part 1: Ang Tradisyong Aste
-
The Jolly Craze [+/-]
Nauso sa amin ang tinatawag na Honesty lingos. Iyan ang mga salitang bumulaklak sa mga labi namin noong nagsimula nang lumaganap ang ka-kornihan sa mundo! Imagine, sa bawat joke na inaalay ng kaklase ko sa mga lintog na mga iyan, ganito ang kanilang reply!
CORNY GUY: Uyyy? I have a joke! Sino sa mga teacher sa honesty ang mukhang saging?
HONESTY: Sino?
CORNY GUY: Eh di si Sir ----? pag binaligtad mo ang ----, SABA, 'di ba? Hahahahaha
HONESTY: Ayyyy? Ang JOLLY!!!Kita nyo na? Alam ba nila na approximately one year niya iyong pinag-isipan at pinagplanuhang i-joke? Ikinunsulta pa nga niya iyon sa isang joke expert. Ang buhay talaga! Kapag corny ka, mas magaling pang maggawa ka ng sandamakmak na activity at exercises sa Pre-Calculus kesa sa malagay ka sa kahihiyan! kaya next time na pagawin ka ng activity at exercises sa Pre-Cal, don't make reklamo! Isipin mo na lang, mas mabuti pang maging retarded, inutil, at baliw dahil sa activities sa Pre-Calculus kesa sa maging corny!!!
-
The Car-car Mania [+/-]
Wala itong koneksyon sa mga kotse o kung ano pa man. Ito ang pauso ng EBS sa mga taong uto-uto! (anong tagalog sa car? OTO! CAR+CAR = OTO+OTO = UTO UTO). See the logic there, uh? Very logical 'di ba? Maski mga Professors at Doctor na tulad si Sir Lano, di iyan maiintindihan. Iba talaga kaming mag-isip mga Honesty. Tingnan nyo itong scenario na ito? maaring ninyong gamitin ang modal at ingklitik na CAR CAR sa mga sumusunod na sitwasyon.
HONESTY: Hoy, mga lintog, kaya nyo ba ito? (nalangoy habang nag-sosolve ng matrix, echelon, at Gauss-Jordan sa pusod ng karagatan ng pagkilatan)
CARCAR STUDENT: Huh? Iyan lang ba? Sisiw! (ginawa nga ng gago!!!)After niyang gawin ang task ni big brother?
CARCAR STUDENT: Ano? sabi ko sa inyo kaya ko eh!
HONESTY: CAR CAR! bwahahahaha!Ang pobreng gago, kawawa naman! Kaya next time na may ipagagawa sa inyong task, unahan nyo na kaagad! Walang pag-aalinlangan. Isigaw mo ang magic word. DARNA! (ay mali pala) CARCAR. The word itself ang antidote sa scenariong iyan.
- Ang Pagkabano sa Bay
- Ang Jerome/Jewerm Fans Day
- "Geh, ingat!"
- "Later on!" Addiction
-
ABS-CBN vs. GMA [+/-]
Sa dinami- dami ba naman ng isyu tungkol sa bansa natin, bakit ito pang paksang ito ang naisipang pagdebatihan ng IV- Honesty? Sa halip na isyu tungkol kay Gloria, Cha-cha, Subic rape case, at iba pang current events na nangyayari sa ating bansa, isyu tungkol sa ratings ng dalawang nabanggit na istasyon ang pinag-uusapan. Wala ata akong araw na hindi narinig iyang isyu tungkol diyan sa dalawang istasyon na iyan! Well except for weekends and holidays of course. Syempre sa loob ng room, ang ratio ng kampi sa ABS- CBN sa GMA ay 40 is to 1. Sino pa ba ang nag-iisang iyon kundi si NUMER, 'di ba? May mga times na siyempre, panalo ang ABS-CBN dahil na rin sa dami ng supporters nito! Pero take note, hindi patatalo diyan si Numer! well, sinabi ko na hindi siya patatalo pero hindi ko sinabi na nanalo na siya sa mga debate ng Honesty, ahhh? I think (sa lawak ng memorya ko), hindi pa nananalo ang GMA sa debate ng Honesty! Pero sabi nga sa kasabihan,
The best revenge is success
(kayo na lang ang mag-reflect sa words of wisdom na iyan kasi hindi ko siya makonek sa topic.) - Ang Pangmomolestiya kay Kim
-
Ang Paglaganap ng "Kabaklaan" sa Room [+/-]
Sa dinami-dami ba namang araw na ginawa ng Diyos, nagsilipana ang kabaklaan sa section namin! Dahil kasi iyan kay Diogenes! Dax sa umaga, Bea sa gabi, Tin-Tin sa madaling araw. Pero think of the positive side. Napapasaya niya ang section namin dahil sa kanya. Sa mga different stunts na ginagawa niya, napapahagalpak niya kami. Hanga nga ako sa taong iyan eh! Dahil napa-inlove niya ang kanyang mga papa! Sina Roy, Owie, Rommel (aka PP), at si... NUMER! Sa tingin ko, kung wala ang DAX sa Honesty, hindi siguro ganoon kagulo, este, kasaya ang section namin. Dahil sa kanya, nagulantang este sumaya ang buhay naming lahat. By the way, ang hindi ko makakalimutan diyan kay Bea ay ang,
Ang Kiri-kiri mo!
(PRONUNCIATION:Ang Kyryh kyryh moh!
) - May Bakery ang IV-Honesty?
- Bully
- "Hult!" at "Whooph!"
- Governor's
- Chowking Moments
-
Over sa Overnight [+/-]
Tama! Nauso ang layasan sa kani-kanilang bahay magmula nang ipagawa sa amin ang project sa English, ang research. Tinatanong pa ba kung kaninong bahay ang nagmistulang Big Brother house dahil sa dami ng mga nag-overnight dito? Eh di syempre kina Nathalie. Kulang na nga lang eh magsabit sila ng paskil sa kulungan ni Bruno (may hook dun para sabitan) na nagsasaad ng "Wanted: Borders". Kung gusto mong maglayas sa bahay nyo at wala kayong matirhan, kina Atzie kayo pumunta.
Masarap ang buhay kina Nathalie. Maraming available rooms na pwedeng tulugan, pwedeng tulugan at pag-picnic-kan ang banyo nila dahil sa sobrang laki, at parang nakatira ka sa Formosa dahil sa dami ng pagkaing naka-stock. Isang dampot lang, busog ka na. Isa rin ito sa mga itinuturing ng Honesty na tambayan.
-
Nutrition Month [+/-]
Malimit i-celebrate ng Honesty ang nutrition month. Kinakailangan kasi ng Honesty ang sapat na pagkain nang sa ganon ay magkaroon sila ng energy sa pag-re-review sa aralin namin sa Arts. Arts kasi ang pinakamahirap, yet pinakamasaya na subject namin (huwag nyo nang tanungin kung bakit masaya!). As I was saying, ang top 3 na nanguna sa Best Nutritionist o mga taong kung maghanda ng pagkain eh daig pa ang pinagsama-samang 1 year supply ng pagkain naming Honesty ay ang mga sumusunod: Geraldine Aclan, Vera Marie Gasang, and Nathalie Wong. Kaakibat din sa award na ito ang mga mommy nila na sina Tita Melinda, Tita Maridol, at Tita Nancy. Kung hindi dahil sa kanila, hindi madadagdagan ng 50 kilos ang aking timbang. In behalf of IV-Honesty, I sincerely want to say thank you (English), kam sa mi da (Korean), arigatou (Japanese), xie xie (mandarin), terimak asi (Indonesian), at maraming salamat po sa inyong lahat.
-
Ang Soundtrack ng Buhay Namin [+/-]
Ang mga awiting nagbigay sa amin ng buhay? Iyan ang hinding-hindi ko makakalimutan. Dahil sa mga awiting ito, naging mas masaya ang buhay namin bilang isang high school student. Nasa ibaba ang most requested, hindi lamang sa loob ng room ngunit pati na rin sa mga videoke machines.
- Celebration
- Total Eclipse of the Heart
- Billie Jean
- I Believe
- Sometimes Love Just Ain't Enough
- Because You Love Me
- Anak ng Pasig
- Better Days
- MYMP Hits
- Paint My Love
- Endless Love
- Wake Me Up, Before You Go
- Karma Chameleon
- etc... etc... etc...
-
Love Teams [+/-]
Love is in the air (sabay-singhot! Ang baho!). Parte na ng buhay ng pagiging high school ang ma-inlove. Nagsimula sa tuksuhan, sumunod ang pag-dedevelopan, sumunod naman ang pabigay-bigay ng Bear Cuddler™ at cards, at sa huli, nag-aminan sa isa't isa. Iyan ang makanginig adipose tissue na love story nina Ray Carlo at Brenda. Noong una pa lang, alam na ng buong klase na they have feelings for each other. And one day nagkaaminan na! First year pa lang pala ay both attracted na sila to each other. Eh paano na si Jay-Jay? Abangan na lang ang susunod na kabanata ng ating love story na pinamagatang Maliit ma'y nakakapuwing rin.
Inaabangan pa rin ng lahat ang love story sa likod ng dalawang lovebirds na ito, ang tambalang Jerome at Sasa. Abangan natin ang kanilang love story na pinamagatan na Harry Potter and Sasa, the Prisoner in His Heart. Ang tanong lang, paano na kaya si Marian at Aero Joy? Abangan sa sequel ng pelikula, ang Harry Potter and order of the Two Phoenixes. (Update: Si Sasa ay kay Owie na.)
Another one on my list eh ang love triangle nina John, Rey, at Dianne. Sino ba talaga sa mga nag-gagwapuhang ito ang magwawagi sa puso ni Dianne? Iboto na ang favorite Lovemates by texting VOTE <space> ANSWER and ipadala nyo iyan sa 236657784787903465757223.4578. (bahala na kayong pagkasyahin ang number na iyan sa phonebook). Nag-eexpect kayo ng title ng love story nila, noh? Sige na nga. Kung mangyang natae ng tibi nga eh nakakarequest ng pahugas, ikaw pa! Ang title naman nito ay Sana, dalawa't kalahati ang puso ko. (Isa kay Rey at isa't kalahati naman kay John. Baka kasi di magkasya sa puso ni Dianne si John, tangkad kasi. Sige ka, atakihin pa si Dianne).
May humahabol pa palang love team, ang tambalang SIO-PAU (asado, bola- bola, o pusa?) as in SIOPAO (Roy Alvin) at si PAULA (Aubrey). Abangan din po natin sila sa kanilang istorya. Eh paano na si Idoul, Paula? Showing na rin ang PG-18 na pelikula nilang Sige lang, Sandal ka lang... sa Blackboard ko.
Sa lahat ng girls, si MADAME ang grandslam. Kaliwa't kanan kasi ang mga boys sa dumadaan sa kanya. Sina Numer, Jupiter, Jeff, at Rened? Di ka kaya mapagod Madame dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa yo? Haba na ng hair mo noh? 50% discount kay Banjo P. Goot ang haircut ngayon! (ang jolly ko na naman!)
Ang isa pa pala ay ang tambalang Lester at Flori Ann. Eh Flori, paano na si WHOOOOPH? Paano na si MAKMAK? Hayae na iyang si Makmak. Marami naman iyang makikitang beautiful girls sa Vancouver, Kiribati, at Micronesia.
Ang tambalang "P" muntik ko nang makalimutan. Ang tambalang Pinkrules (Vera) and PP (Rommel), kamusta na rin kaya?
Ang gwapo ni Dan, Jing? pero gwapo rin naman si Rogen. Kamustahin natin ang love team nila? Kamusta na ba? (walang sumagot!)
-
Overtime sa Stadium [+/-]
Hindi lang siguro kami teacher's enemy, masasabi kong security guard's enemy rin kami dahil sa pagtambay sa Stadium ng hanggang 6 to 9 ng gabi. Dahil mahal na mahal namin ang isa't isa, kahit masigawan o mamura ng guard, walang pake pa rin basta masaya ang lahat. (abangan natin mamaya sa stadium iyung guard na nanggitla sa atin!)
- Rendezvous: Plaza
- Picture Dito, Picture Doon!
- Teacher's Pet
- "Uwi Na!"
- Amplipika All Around
- Ma'am Dimasacat's Concert Pieces
- Honesty Zoo and Honesty's Anatomy
- Tekno Teachers
- Pambansang Pelikula ng Honesty
- Katusal, Katuja at Tanamo!
- Bluroze (Farewell Camp)
- Ma'am Yeye's Birthday Bash
- India
- Picnic sa Ilog!
- Isawan sa Biglang Liko
- Part 2: Important People
